Gobyerno hindi kailangang gumamit ng kamay na bakal ayon sa oposisyon

0
maute1

Naniniwala ang oposisyon na hindi na kailangang gumamit ng kamay na bakal ang administrasyon para tugisin ang mga bandido o mga terorista na naghasik ng karahasan sa Marawi City.

Ayon kay Liberal Party President at Senator Francis Pangilinan, hindi  long term solution ang pagdedeklara ng Martial Law.

Pangamba ni Pangilinan, magdudulot lamang ito ng negatibong epekto lalo na sa pagnenegosyo.

Wala siyang tutol sa hakbang ng militar pero sana ginawa lang ito sa Marawi City kung saan lumusob ang Maute group at hindi sa buong Mindanao.

Iginiit ni Pangilinan na mas mabuting magpatawag ng joint session para mapag-usapan ang naging hakbang ng palasyo para matiyak ang transparency at public interest at hindi magkaroon ng mga pag-abuso.

Ulat ni: Mean Corvera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *