Gobyerno inatasan ng SC na sagutin sa loob ng 24 na oras ang habeas corpus petitions kaugnay sa pag-aresto kay FPRRD


Binigyan ng Korte Suprema ang mga opisyal ng pamahalaan na sangkot sa paghuli kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ng 24 na oras, para magpaliwanag kung bakit hindi ito dapat mag-isyu ng writ of habeas corpus.
Kasunod ito ng magkakahiwalay na mga petisyon sa Supreme Court ng mga anak ng dating presidente na sina Davao City Representative Paolo Duterte, Davao City Mayor Sebastian Duterte, at Veronica Duterte na humihiling na atasan ng SC ang pamahalaan na iharap at pabalikin sa bansa ang kanilang ama.
Ayon pa kay SC Spokesperson Atty. Camille Ting, bukod sa show cause order ay iniutos din ng mga mahistrado na i-consolidate o pag-isahin ang tatlong habeas corpus petitions ng mga Duterte.
Kabilang sa mga respondent sa tatlong petisyon sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Justice Secretary Crispin Remulla, Interior Secretary Jonvic Remulla, PNP Chief Rommel Marbil, at PNP- CIDG chief Nicolas Torre III.
Moira Cruz