Gobyerno, target ang 100% free internet access sa mga eskuwelahan sa pagtatapos ng 2025

0

Screen grab from RTVM

Nangako si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na magkakaroon na ng libreng internet access ang lahat ng mga paaralan sa pagtatapos ng kasalukuyang taon.

Screen grab from RTVM

Sinabi ng pangulo na target ng kaniyang administrasyon ang 100% free WiFi connection.

Sa kaniyang pagbisita sa ilang paaralan sa Quezon City ay ipinangako nito na pararamihin pa ng gobyerno ang magkakaroon ng internet access, partikular sa tinatawag na geographically isolated and disadvantaged areas o GIDA, laluna at dumarami pa ang bilang ng mga paaralan.

Screen grab from RTVM

Sa ngayon ay nasa animnapung porsiyento lamang ng mga paaralan sa bansa ang mayroong internet access.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *