Grab at Uber, susunod sa Anti-Distracted Driving Act
Tiniyak ng mga app-based ride sharing service na Grab at Uber ang pagsunod nila sa anti-distracted driving act na sinimulan nang ipatupad sa buong bansa ngayong araw.
Ayon kay Brian Cu, pangulo ng Grab Philippines, pinaalalahanan na niya ang kanilang mga driver na mahigpit na sumunod sa nasabing batas.
Ikinatuwa rin ng Uber Philippines ang nasabing batas dahil ito ay para sa kaligtasan ng kanilang mga driver at maging ang mga mananakay sa buong bansa.
Napapaloob sa anti-distraction driving law ang pagbabawal sa paggamit ng mga gadgets habang nagmamaneho.
