Groundbreaking ng Kalayaan Avenue at BGC Station ng Metro Manila Subway project, pinangunahan ni PBBM

0

Personal na ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang on-going construction sa Metro Manila Subway project.

Una siyang nagpunta sa ginagawang Shaw Boulevard station para makita ang update sa paghuhukay dito.

Sunod naman ay pinangunahan niya ang groundbreaking cremony ng Kalayaan Avenue at BGC station sa Taguig, na puwede nang masimulan matapos makumpleto ang right of way agreement.

Ang Metro Manila Subway project ay may 17 istasyon na magsisimula sa Valenzuela at magtatapos sa Paranaque City.

May istasyon ito papunta sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport.

Ayon sa Pangulo, on schedule ang construction sa mga ansabing subway station.

Aniya, “Progress is proceeding, we’re on schedule from original time table. We’re moving more quickly.”

Sa BGC station pa lang, kapag naging operational na ay 200 libong pasahero aniya ang maseserbisyuhan.

Kapag naging fully operational naman, inaasahang mula Valenzuela hanggang BGC sa Taguig, ay magiging 29 minutes na lamang ang travel time mula sa dating isa at kalahating oras.

Malaking bagay ito ayon sa Pangulo, dahil bawat minuto na matitipid sa oras ng transportasyon ay magugugol kasama ang pamilya.

Madelyn Villar Moratillo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *