Halos 6,000 bagong kaso ng Covid-19, naitala ng DOH ngayong Linggo

204851249_4564623280215555_3232686891679191152_n

Nakapagtala ng panibagong 5,966 mga kaso ng Covid-19 ang Department of Health.

Mayroon ding naitalang 6,987 na nakarekober at 86 na pumanaw.

Dahil dito, umakyat na sa 1,436,369 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa bansa na may 52,708 na aktibong kaso.

Habang pumalo naman sa 1,358,512 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober at 25,149 ang kabuuang bilang ng mga namatay sa Covid-19.

Please follow and like us: