Hepe ng MPD Station 1, sinibak na matapos madiskubre ng CHR ang sikretong selda

0
albayal

Sinibak na ni PNP_NCRPO Chief Superindent Oscar Albayalde ang hepe ng Manila Police District Station 1 na si Superintendent Robert Domingo.

Ito’y matapos madiskubre ang isang sikretong kulungan sa kaniyang presinto.

Isang linggo nang nakakulong doon  ang labing- isang bilanggo kahit walang kinakaharap na kaso.

Ayon kay Albayalde, pansamantala munang ililipat si Domingo sa MPD Headquarters.

Inatasan na rin ni Albayalde ang hepe ng MPD na tignan ang kinakaharap na kaso ng labing-isang inaresto at ikinulong sa sikretong selda.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *