Higit 300 katao patay sa Pakistan dahil sa pagbaha at malakas na ulan

Gul Rasheed, 60, inspects a damaged car following a storm that caused heavy rains and flooding, in Bayshonai Kalay, Buner district, Khyber Pakhtunkhwa province, Pakistan, August 17, 2025. REUTERS/Akhtar Soomro
Mahigit 300 katao sa Northwest Pakistan ang namatay bunsod ng dalawang araw nang malalakas na pag-ulan, na nagresulta sa malawakang pagbaha.
Ayon sa mga awtoridad, patuloy ang rescue efforts at clearing operations sa mga kalsadang hindi maraanan.

A man clears mud following a storm that caused heavy rains and flooding, in Bayshonai Kalay, Buner district, Khyber Pakhtunkhwa province, Pakistan, August 17, 2025. REUTERS/Akhtar Soomro
Dagdag pa nila, maaaring magpatuloy pa hanggang sa mga unang bahagi ng Setyembre ang mga pag-ulan.
Sinabi ng National Management Authority, na karamihan s amga nasawi ay dahil sa flash floods, habang marami pa ang nawawala sa rehiyon ng Khyber Paktunkhwa, dahil sa cloud bursts, flash floods, pagtama ng mga kidlat, landslides at pagguho ng mga gusali.

Residents clear a street following a storm that caused heavy rains and flooding in Bayshonai Kalay, in Buner district, in Khyber Pakhtunkhwa province, Pakistan, August 17, 2025. REUTERS/Akhtar Soomro
Isa sa pinakamatinding tinamaan ng kalamidad ay ang Buner District, 3 ½ oras ang layo sa hilaga ng Islamabad, kapitolyo ng Pakistan, kung saan 207 ang namatay at nagkaroon din ng malawakang pinsala sa mga imprastraktura at mga pananim.