Higit 400 katao inaresto ng UK police kaugnay ng mga protesta sa pag-ban sa grupong Palestine Action

0

Police officers detain a demonstrator during a rally organised by Defend Our Juries, challenging the British government’s proscription of “Palestine Action” under anti-terrorism laws, in Parliament Square, in London, Britain, August 9, 2025. REUTERS/Jaimi Joy

Inaresto ng Metropolitan Police ng london ang mahigit sa 466 na katao sa nangyaring protesta laban sa desisyon ng britanya na i-ban ang grupong Palestine Action.

Nagpatupad ng ban ang British lawmakers laban sa Palestine Action sa ilalim ng under anti-terrorism legislation noong July, makaraang pasukin ng ilang miyembro nito ang isang Royal Air Force base at sinira ang mga eroplano bilang bahagi ng serye ng mga protesta.

Inaakusahan ng grupo ang gobyerno ng Britanya ng pakikipagsabwatan sa sinasabi nitong war crines Israel sa Gaza.

People holding signs sit during a rally organised by Defend Our Juries, challenging the British government’s proscription of “Palestine Action” under anti-terrorism laws, in Parliament Square, in London, Britain, August 9, 2025. REUTERS/Jaimi Joy

Ang Israel ay nahaharap sa mga akusasyon ng genocide sa international court of justice at akusasyon mula sa human rights groups kaugnay ng mapaminsalang pag-atake sa Gaza.

Itinanggi naman ito ng Israel, at sinabing ang kanilang mga opensiba ay self-defense makaraan ang October 2023 attack ng Palestinian Hamas militants na ikinamatay ng marami.

Sa video ng Reuters ay makikita ang mga demonstrador na nagtipon sa Parliament Square sa Houses of Parliament, habang bitbit papalayo ng mga pulis.

Police officers detain a demonstrator, as people hold placards that read “I oppose genocide, I support Palestine Action” during a rally organised by Defend Our Juries, challenging the British government’s proscription of “Palestine Action” under anti-terrorism laws, in Parliament Square, in London, Britain, August 9, 2025. REUTERS/Jaimi Joy

Bukod sa 466 ay inaresto rin ng mga pulis ang walong iba pang katao dahil naman sa pag-atake ng mga ito sa mga pulis. Wala naman anilang malubhang nasaktan.

Dahil sa ipinataw na ban, isa nang krimen na maging miyembro ng Palestine Action, na may maximum sentence na 14 na taong pagkakakulong.

Noong isang linggo, ang co-founder ng grupo na si Huda Ammori, ay pinayagang maghain ng kuwestiyong legal laban sa ban.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *