Higit 5,800 kaso ng Covid-19 sa bansa, naitala ng DOH ngayong Biyernes

206093367_4579049808772902_7224500383320440926_n

Umabot na sa 51, 902 ang aktibong kaso ng COVID 19 sa bansa sa kasalukuyan.

Itoy matapos na makapagtala ang Department of Health ng 5,881 na bagong kaso ng COVID 19 sa bansa, habang 3,003 naitalang bagong gumaling.

May 70 naitalang bagong nasawi dahil sa virus, kayat umabot na sa 25,720 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Sa ngayon ay 1,461,455 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 1,383,833 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Madz Moratillo