Higit P100-m hazardous products, winasak sa Valenzuela City

Higit 100 milyong pisong halaga ng substandard na lead-acid storage battery na maituturing na hazardous products, ang nakumpiska at winasak ng mga tauhan ng Department of Trade and Industry (DTI) kasama ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang warehouse sa Valenzuela City.

Dalawampu’t isang libo, apatnaraan at tatlong (21,403) pirasong substandard lead acid storage batteries na nagkakahalaga ng P110,737,674.00 ang nakumpiska at sinira, dahil maaari itong makasama sa sasakyan ng mga consumer at maging sa kalusugan.

Ayon kay DTI Assistant Secretary Agaton Uvero, nakumpiska ang mga nasabing produkto sa mga ginawa nilang joint monitoring and enforcement activity, kasama ang NBI-National Capital Region.
Earlo Bringas