Hong Kong naglabas ng pinakamataas na weather warning dahil sa malalakas na pag-ulan

Patients wait at the flooded accident and emergency department of a hospital during heavy rains, in Hong Kong, China, August 5, 2025. REUTERS/Lam Yik
Inihayag ng weather bureau ng Hong Kong na mananatili ang kanilang highest “black” rainstorm warning, habang nananalasa ang malakas na mga pag-ulan na nagbunsod nang pagsasara ng mga ospital, paaralan, mga korte at register offices.
Humigit-kumulang 10,000 kidlat ang gumuhit sa kalangitan ng Hong Kong, habang hanggang 90mm o 3.5 pulgada naman ng ulan bawat oras ang bumagsak sa siyudad at katabi nitong Guangdong province.

Vehicles are partially submerged at a flooded area during heavy rains, in Hong Kong, China, August 5, 2025. REUTERS/Lam Yik
Ang malalakas na ulan ay kasunod ng mapaminsalang flash floods sa Southern China nitong nagdaang weekend, na nag-iwan ng limang patay sa Guangdong province at nagbunsod ng malawakang search operation na kinasangkutan ng mahigit sa 1300 rescuers.
Sa bulletin ng Hong Kong Observaroty sa kanilang website ay nakasaad, “Persistent rainstorms will cause serious road flooding and traffic congestion. Members of the public are advised to take shelter in a safe place.”

Pedestrian walk past a flooded area during heavy rains, in Hong Kong, China, August 5, 2025. REUTERS/Lam Yik
Hanggang nitong Martes ng umaga, apat na mga ilog na sa lalawigan ang tumaas at nanganganib na umapaw, ayon sa ulat ng state broadcaster ng China na CCTV.
Ang mga paliparan sa buong rehiyon ay nag-ulat na umabot sa halos 20% ang cancellation rates, ayon sa data mula sa Flightmaster, habang binabaan naman ang speed limits sa Hong Kong-Zhuhai Macau Bridge, isang flagship GBA infrastructure project dahil sa poor visibility.
Namalagi namang normal ang mga operasyon sa Hong Kong airport, ngunit ilang flights ang na-delay at ang mga pasahero ay pinayuhang magtungo bumalik lamang sa paliparan kapag nakumpirma na ang oras ng kanilang flight.

A pedestrian walks up a flooded stairs outside a hospital during heavy rains, in Hong Kong, China, August 5, 2025. REUTERS/Lam Yik
Inanunsiyo ng hospital authority sa Hong Kong na ang kanilang accident at emergency wards ay mananatiling bukas, ngunit ang general outpatient clinics at geriatric and psychiatric day hospitals ay isinara na dahil sa masamang lagay ng panahon.
Sinabi naman ng judiciary, na ang mga korte, tribunals at register offices ay magbubukas agad sa loob ng dalawang oras kapag inalis na ang ‘black’ rainstorm warning.
Suspendido rin ang delivery services at sarado ang post office premises hanggat hindi pa inaalis ang storm warning.

Workers place a blockade outside the flooded accident and emergency department of a hospital during heavy rains, in Hong Kong, China, August 5, 2025. REUTERS/Lam Yik
Bukas din ang Hong Kong Disneyland ngunit limitado lamang ang operasyon.