Hotel at Resort sa Visayas apektado na rin ng sagupaan sa Mindanao

0
hotel

Apektado na rin ang mga Hotel at Resort sa Visayas dahil sa bakbakan na nagaganap sa Mindanao kasunod din ng pag anunsyo ni Pangulong Duterte ng Martial Law.

Kinansela ng mga travel agency at online travel agent ang mga reservation dahil sa gulo na nangyayari ngayon sa bansa.

Ayon sa Be Grand Resort Bohol  53 rooms ang nagkansela ng reservations na katumbas ng 94 na gabi.

Pinahiwatig din ni Cenelyn Manguilimotan, Cebu Parklane International Hotel General Manager marami rin ang nagkansela ng reservation sa kanilang hotel.

Dagdag pa ni Manguilimotan sa gitna ng mga naging pangyayari at pagsalakay, mahigit na 90 cancellations of booking sa iba’t ibang mga hotel na ang nangyari.

Karamihan sa mga nagpakansela ay mula sa Korea, Japan, at China.

Inaasahan na mas marami pa ang magpapakansela ng reservation dahil inanunsyo ng United Kingdom (UK) sa kanilang mga citizen na umiwas sa pagbiyahe sa Western at Central part ng Mindanao.

Ulat ni: Carl Marx Bernardo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *