Humihingi ng two hundred million pesos na budget ang hudikatura para sa judiciary marshals
Ang Judiciary Marshals ang nagbibigay ng proteksyon at seguridad sa mga mahistrado, hukom at iba pang personnel batay sa itinatakda ng Republic Act 11691 o Judiciary Marshal Law.
Ayon kay Court Administrator Raúl Villanueva, sa panukalang 2024 national budget aabot lang sa 50 million ang nakalaan sa naturang tanggapan, kapos dahil kinakailangan nilang mag-hire ng may isang libong personnel
Pero kung pagbabatayan aniya ang dami ng kabuuang bilang ng mga korte na 2,700, aabot sa limang libo ang kakailanganing personnel
Sakop ng mga bibigyan ng security ang Supreme Court, Lower Courts, Presidential Electoral Tribunal, Court of Appeals, Sandiganbayan at Court of Tax Appeals.
Wala pang ibinibigay na commitment ang senado pero sabi ni Finance Chairman Sonny Angara hahanapan nila ito ng pondo
Meanne Corvera