Hurisdiksyon ng Senado sa Ethics complaint laban kay Sen. Sotto, rerebyuhin pa

0
sotto3

Aalamin pa ni Senador Panfilo Lacson kung may hurisdiksyon ang Committee on Ethics sa reklamong isinampa laban kay Senador Vicente Sotto.

Si Lacson ang hahawak ng imbestigasyon oras na mag inhibit na si Sotto sa pagdinig ng Ethics Committee.

Tiniyak  ni Lacson na magiging independent ang komite at ibabatay sa mga ebidensya ang magiging desisyon sa kaso.

Wala pang itinakdang petsa ang Ethics kung kailan sisimulang dinggin ang reklamo.

Nauna nang inireklamo si Sotto dahil sa paggamit ng salitang “na ano ka lang” kay DSWD Sec.  Judy Taguiwalo dahil sa pagiging solo parent.

Nanindigan naman si Sotto na wala siyang balak na insultuhin si Taguiwalo o mga solo parent at karapatan nila na magsampa ng kaso.

Ulat ni: Mean Corvera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *