IBP wala pang nakikitang dahilan para kwestyunin sa SC ang legalidad ng deklarasyon ng Martial Law sa Mindanao

0
ibp

Wala pang dahilan para kwestyunin sa Korte Suprema ang legalidad ng deklarasyon ng batas militar ni Pangulong Duterte sa Mindanao kasunod ng kaguluhan sa Marawi City.

Ayon sa Integrated Bar of the Philippines, malinaw sa 1987 Constitution ang kapangyarihan ng presidente na magdeklara ng Martial Law, ang hangganan ng otoridad nito at ang mga remedyo at safeguards laban sa pag-abuso sa nasabing kapangyarihan.

Bagaman maaring ipawalang-bisa ng kongreso at rebyuhin ng Korte Suprema ang idineklarang batas militar ay wala pa raw nakikitang rason ang liderato ng IBP para kwestyunin ito sa ngayon.

Ito ay bunsod na rin anila ng nangyari sa Marawi City at ang panganib na kumalat sa iba pang bahagi ng Mindanao ang kaguluhan.

Gayundin ang presensya ng iba pang teroristang grupo sa rehiyon na maaring samantalahin ang sitwasyon at maghasik ng karahasan.

Pero nanawagan ang IBP sa militar at sa mga ahensya ng pamahalaan na tuparin ang due process at rule of law sa implementasyon ng batas militar.

Suportado anila ang anomang legal at mapayapang paraan para matigil ang kaguluhan sa rehiyon  at makamit ang kapayapaan

ulat ni : Moira Encina

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *