Ika-apat na titulo sa International Tennis Federation, nakuha ng Pinay tennis star na si Alex Eala
Photo courtesy of Alex Eala FB
Naipanalo ni Alex Eala ang finals ng W25 Roehampton singles tournament sa score na 6-2, 6-3 laban sa Russian-Aussie player na si Arina Rodionava na ginanap sa United Kingdom.
Nangibabaw ang 18-anyos na Pinay tennis star mula simula hanggang matapos ang laro, upang maangkin ang ika-apat niyang overall singles career win.
Bago ito ay dinaig muna ni Eala ang Australian na si Priscilla Hon sa quarter-finals, at si Arianne Hartono ng Netherlands sa semis.
Ito na ang ika-apat na titulo ni Eala matapos mapanalunan ang una niyang titulo sa 2021 W25 Manacor, na sinundan ng W25 Chiang Rai noong 2022.