Ikatlong tax evasion case isinampa ng BIR laban sa Mighty Corporation sa DOJ

0
mighty1

Muling ipinagharap ng reklamong tax evasion ng BIR sa DOJ ang local cigarette firm na Mighty Corporation at mga opisyal nito dahil sa mahigit isang bilyong pisong hindi nabayarang buwis bunsod ng paggamit ng pekeng tax stamps.

Ito na ang ikatlong tax evasion complaint na inihain ng BIR laban sa Mighty Corporation.

Ang panibagong reklamo ay nag-ugat sa ginawang pagsalakay ng pamahalaan sa warehouse ng kumpanya sa Brgy.  Lagao, General Santos City kung saan nadiskubre ang 4.7 million na pakete ng sigarilyo na gumagamit ng bogus na tax stamps.

Respondents sa kaso si Mighty President at dating AFP Deputy Chief of Staff Edilberto Adan, Mighty Corporation Vice President for External Affairs and Assistant Corporate Secretary Alex Wongchuking, Executive Vice President at retired Judge Oscar Barrientos at Treasurer Ernesto Victa.

Dahil sa ikatlong reklamo, umaabot na sa kabuuang 37.88 billion pesos ang sinasabing utang sa buwis ng Mighty Corporation.

Ulat ni: Moira Encina

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *