Ilang indigeneous peoples groups nagprotesta sa DOJ para ipanawagang ibasura ang mga umanoy gawa-gawang kaso laban sa mga IP leaders

0
36580449_10209587882372619_1628102714707673088_n

Umapela sa DOJ ang ilang miyembro ng iba-ibang indigeneous groups at advocates ng mga national minorities na ibasura ang mga umano’y gawa-gawang kaso laban sa mga IP leaders.

Isinumite ng mga grupong Katribu, Philippine Taskforce for Indigeneous Peoples Rights at Indigenous Peoples Movement for Self Determination and Liberation sa DOJ ang isang international appeal na humihiling na idismiss ang anila’y pekeng proscription list na naglalaman ng mga pangalan ng IP leaders na binansagang mga terorista.

Kalakip ng liham ng grupo sa DOJ ang kanilang letter of concern na nagpapahayag ng pagkabahala sa anila’y tumataas na bilang ng harassment at pananakot sa mga IPs.

Ayon pa sa Katribu, naglunsad ang US at ang Duterte government ng anila’y sistematikong legal offense bilang bahagi ng counter-insurgency nito na Oplan Kapayapaan na target ang mga Indigenous peoples movement.

Sa tala ng grupo, mula July 2016 hanggang February 2018, Umabot na sa 178 IP at daan-daang bilang na mga gawa-gawa raw na kaso ang naisampa ng mga awtoridad laban sa mga IPs kabilang na ang mga kaso laban sa mga Lumad.

Ulat ni Moira Encina

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *