Ilang Korte sa mga lugar na wala sa ECQ areas, pisikal na sarado rin hanggang sa susunod na buwan

Supreme-Court-1

Pansamantalang sarado rin ang ilang korte at court offices sa mga lugar na hindi isinailalim sa Enhanced Community Quarantine hanggang sa susunod na buwan bilang pag-iingat sa COVID-19.

Kabilang na rito ang San Fernando, Pampanga Regional Trial Court Building;  Calapan City, Oriental Mindoro Municipal Trial Court in Cities; Zaragoza, Nueva Ecija Municipal Trial Court; at Paniqui Tarlac MTC.

Gayundin, ang Offices of the Clerk of Court ng Cabanatuan City RTC, at ng Mandaue, Cebu MTCC.

Naka-lockdown din hanggang unang linggo ng Abril ang ilang branch ng Santiago City, MTCC; Calubian, Leyte RTC; Lucena City RTC; Angeles City RTC, Paniqui Tarlac RTC, Calapan City RTC; at Naga City RTC.

Magsasagawa ng disinfection at iba pang health interventions sa mga nasabing korte para maiwasan ang  pagkalat ng COVID-19.

Pwedeng ma-contact ang mga nabanggit na hukuman sa kanilang hotlines at email addresses.

Maaari namang i-check ng publiko at court users ang quarantine status ng mga korte sa website ng Supreme Court.

Moira Encina