Ilang miyembro ng CA umalma sa alegasyong naimpluwensyahan sila ng mga negosyante kaya ibinasura ang appointment ni Lopez

0
lopez gina

Umalma ang ilang miyembro ng Commission on Appointments sa alegasyon ni dating DENR Secretary Gina Lopez na inimpluwensyahan sila ng mga negosyante para ibasura ang Ad Interim appointment nito.

Ayon kay A Teacher Partylist Representative Julieta Cortuna, isa siya sa mga miyembro ng CA na bumoto ng  pabor na maitalaga si Lopez sa Department of Environment and Natural Resources.

Sinusuportahan niya ang matinding pagsisikap ni Lopez na protektahan ang kalikasan.

Pero nauunawaan niya kung bakit nagdesisyon ang kaniyang mga kasamahan na ibasura ang appointment nito dahil sa paglabag nito sa batas nang mag isyu ng memorandum na nag oobliga sa mga minahan na maglagak ng 2 million pesos trust fund sa kada ektarya na nasira ng pagmimina.

Nabigo rin aniya si Lopez sa confirmation hearing na magprisinta ng malinaw na programa kung ano ang gagawin sa trust fund at paano pangangalagaan ang kalikasan.

Ulat ni : Mean Corvera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *