Iligan City, nagpatupad na ng lock down

0
iligan

 

Nagpatupad na ng lockdown ang Philippine Army na nakabase sa Iligan City ngayong hapon Mayo 26, kasunod pa rin ng banta ng mga teroristang grupo sa naturang siyudad.

Hindi na rin nagpapapasok at nagpapalabas ng mga sasakyan sa buong IIigan City dahil na rin sa banta ng seguridad ng mga teroristang grupo, matapos ang ginawang pag atake ng Maute group sa Marawi City.

Una rito, nagpatupad din ng lockdown sa buong lalawigan ng Lanao del Sur at Lanao del Norte kaninang umaga ang mga opisyal ng Provincial government.

Sinimulan ang pagpapatupad ng lockdown kaninang alas nueve ng umaga hanggang alas-dos ng hapon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *