Impeachment case laban kay VP Robredo tinawag na pambu bully ng Liberal Party
Tinawag ng oposisyon sa Senado na pambu-bully ang balak ng ilang grupo ng abogado na magsampa ng impeachment case laban kay Vice President Leni Robredo.
Ayon kay LP President at Senador Francis Pangilinan, walang basehan ang anumang impeachment laban kay Robredo.
Hindi aniya maituturing na impeachable offense ang malayang paglalahad ng mga nakakabahalang pangyayari sa bansa lalo na ang mga kaso ng pagpatay.
Bahagi lang aniya ito ng freedom of speech at freedom of expression na ginagantyahan ng saligang batas.
Naniniwala naman ang LP na mananaig ang katotohanan at maibababasura ang impeachment laban kay Robredo.
Ulat ni: Mean Corvera