Impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte, pormal nang ibinasura ng House Committee on Justice
Pormal nang ibinasura ng House Committee on Justice ang pagbasura sa impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Inabot lamang ng 20 minuto ang hearing ng komite at napagbotohan agad ang committee report.
Unanimous ang naging boto sa pag-apruba sa committee report na nagbabasura sa nasabing reklamo laban sa Pangulo.
Ayon kay Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, Chairman ng komite, for formality nalang naman ang ginawang botohan para sa nasabing committee report.
Ang nasabing report ay isusumite sa plenaryo para sa pag-apruba naman ng buong kapulungan ng mababang kongreso.
Kung maaprubahan ito, hindi maaaring sampahan ng impeachment complaint si Pangulong Duterte sa loob ng isang taon o hanggang sa Mayo 9 ng 2018.
Matatandaan na sa pagdinig noong nakaraang linggo, bagaman idineklarang sufficient in form ay idineklara namang insufficient in substance o walang sustansya ang reklamong isinampa ni Magdalo Rep. Gary Alejano laban sa Pangulo.
Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo