Impeachment complaint vs. Pang. Duterte, malinaw na” insufficient in substance”- Cong. Umali

0
umali

Malinaw na ‘insufficient in substance’ ang impeachment complaint ni  Magdalo Partylist Representative Gary Alejano laban kay Pangulong Duterte.

Sa panayam ng Liwanagin Natin , sinabi ni Congressman Reynaldo Umali, chairman ng House Justice Committee , lumitaw naman sa kanilang isinagawang pagdinig na hearsay lamang ang reklamo ni Alejano .

“Siguro kayo na rin ang magsasabi malinaw na malinaw kung ano ang naging basehan at malinaw din na yung ah … impeachment complaint ay base on hearsay kaya hindi na kailangang dumiretso pa ng hearing on the substance at hearing on probable cause”. – Cong. Umali

Kaya naman umapela si Umali sa mga magsasampa pa ng impeachment complaint hindi lamang laban sa Pangulo kundi sa iba pang opisyal ng gobyerno na ayusin ang kanilang reklamo kung nais ng mga itong umusad ang kanilang complaint.

Inihayag pa ni Umali na mali ang paratangan ni Alejano na ni- railroad ang impeachment laban sa Pangulo lalo at kitang kita naman sa buong panahon ng pagdinig na galing mismo kay Alejano na wala siyang personal na nalalaman sa kanyang mga ibinabatong reklamo laban kay Pangulong Duterte.

“Wala pong katotohanan yan nakita nyo naman po kahit sinasabi niya na railroad.. ei limang oras yung balitaktakan namin only on each sufficiency in form issue at dun nga lumabas at inamin ni congressman Alejano na ang lahat ng alegasyon niya sa compalint niya ay wala siyang personal knowledge”. – Sen. Umali

Ulat ni: Marinell Ochoa

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *