Implementasyon ng Federalismo, malaking tulong para humupa ang tensiyon sa Mindanao
Malaki ang maitutulong ng implementasyon ng Federalismo sa kaguluhan sa Mindanao.
Sa panayam ng Saganang Mamamayan, sinabi ni DILG Undersecretary John Castriciones , sakop ng Federalismo na magkaroon ng kapangyarihan ang mga Local government para i-establish ang peace and order sa kanilang mga lugar.
Aniya mas madali pang matukoy kung sino ang kalaban ng pamahalaan .
“Sa aking pananaw malaki ang maitutulong ng Federalismo tungkol po dito sa ating problema sa insurgency, kung titingnan po natin kung ang kapangyarihan ay nasa kamay ng ating mga Local gov’t at may kapangyarihan silang ma-establish ang kanilang peace and order doon palagay ko ay matututikan ito kaagad at mabibigayan ng pansin”. – DILG Usec. Castriciones
Bukod dito naniniwala rin si Castriciones na malaki ang kinalaman ng mga Narcopoliticians sa kasalukuyang kaguluhan sa Marawi.
Aniya , nabawasan ng malaki ang income at profit ng mga Narcopolitician dahil sa pina-igting na kampanya ng pamahalaan kontra sa illegal na droga.
“Ako po ay naniniwala na malaki ang kinalaman ng mga Narcopoliticians sa Marawi . Alam naman natin na simula ng pina-igting ang programa laban sa illegal na droga ay talagang nabawasan ng malaki ang kanilang mga income at profit. Kaya nga po siguro naisip nilang malaking hadlang ang pangulo sa kanilang operasyon ay nagsama sama sila para patunayan na kaya nilang labanan ang ating administrasyon”. – DILG Usec. Castriciones
Ulat ni : Marinell Ochoa
