Incoming packages galing China at Hong Kong sinunspinde ng US Postal Service

0
Incoming packages galing China at Hong Kong sinunspinde ng US Postal Service

A United States Postal Service (USPS) collection box is pictured in Washington, U.S., December 18, 2024. REUTERS/Benoit Tessier/File Photo

Inanunsiyo ng U.S. Postal Service (USPS), pansamantala nitong sususpendihin ang parcels galing China at Hong Kong, makaraang alisin na ni President Donald Trump ang isang trade provision ngayong linggo, na ginagamit ng retailers gaya ng Temu at Shein upang mag-ship ng low-value packages duty-free sa U.S.

Ang Trump administration ay nagpataw ng dagdag na 10% tariff sa Chinese goods na nagkabisa na kahapon, February 4 at kumilos upang alisin na ang “de minimis” exemption na nagpapahintulot sa importers at U.S. shoppers na iwasang magbayad ng tariffs para sa packages na ang halaga ay wala pang $800.

Ang dagdag na tariff at pag-aalis sa de minimis ay kasunod ng paulit-ulit na babala ni Trump, na hindi sapat ang pagkilos ng Beijing upang pigilan ang pagpasok ng fentanyl, isang mapanganib na synthetic opioid, sa U.S.

Employees work as the largest United States Postal Service (USPS) facility gears up for the busiest shipping time of the year, in Los Angeles, California, U.S. November 30, 2023. REUTERS/Jorge Garcia/File Photo

Una nang iniulat ng Reuters, na ginagamit ng Chinese suppliers ang duty-free provision para i-export ang chemical materials para sa fentanyl, sa pamamagitan ng pagpapalitaw na ang mga ito ay gadget at iba pang mababang halagang mga paninda.

Sinabi ng USPS, na ang pagbabago ay hindi naman makaaapekto sa mga liham at ‘flats,’ mga padala na maaaring hanggang 15 inches (38 cm) ang haba o 3/4 inches (1.9 cm) ang kapal na galing China at Hong Kong.

Hindi naman agad ito nagkomento kung ito ba ay may kaugnayan sa ginawang pagbabago ni Trump para tapusin na ang de minimis shipments mula China at iba pang mga bansa.

Sinabi ni Chelsey Tam, isang senior equity analyst sa Morningstar, “In our view, the USPS would require some time to sort out how to execute the new taxes before allowing Chinese packages to arrive in the U.S. again.”

Aniya, “This is a significant challenge for them because there were 4 million de minimis packages per day in 2024, and it is difficult to check all the packages – so it will take time.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *