Indonesian Consul General, bumisita sa Pagadian Port

Courtesy: PPA
Bumisita kamakailan sa Pagadian Port sa Zamboanga, ang Indonesian Consul General na si Agus Trenggono.

Courtesy: PPA
Ito ay upang inspeksiyunin ang pasilidad ng pantalan at masuri ang kakayahan nito bilang bahagi ng mga inisyatibo sa ilalim ng Brunei–Indonesia–Malaysia–Philippines East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA).

Courtesy: PPA
Ang hakbang ay bahagi ng patuloy na kooperasyon ng magkakaratig na bansa sa rehiyon ng Asya, upang mapaunlad ang ugnayan, kalakalan, at turismo sa mga kasaping bansa.
Aldrin Puno