Indonesian Pres. Joko Widodo may 3 araw na state visit, dalawang kasunduan nilagdaan ng Pilipinas at Indonesia

0
widodo1

Binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng full military honor sa Malakanyang si Indonesian President Joko Widodo na nagsasagawa ng tatlong araw na state visit sa bansa kasabay ng pagdalo sa ASEAN Summit.

Pagkatapos ng welcome ceremony ay lumagda si President Widodo sa guest book ng Malakanyang.

Nagkaroon din ng bilateral meeting sina Pangulong Duterte at President Widodo.

Kabilang sa pinag-usapan sa bilateral meeting ang ukol sa pagpapalakas ng relasyon ng Pilipinas at Indonesia na nagsimula noong pang 1949 at lalo pa itong napagtibay nang magkaroon ng Treaty of Friendship ang dalawang bansa noong June 21, 1951 at parehong naging founding member ng ASEAN noong 1967.

Naunang nagsagawa ng state visit si Pangulong Duterte sa Indonesia noong nakaraang taon kung saan tinalakay ang usapin ng seguridad sa Sulu-Sulawesi Sea, isyu sa ilegal na droga, maritime cooperation at economic ties.

Tinalakay din sa bilateral meeting ang ukol sa pagiging host ng Pilipinas sa ASEAN summit.

Nilagdaan din ang dalawang memorandum of understanding una ang may kaugnay sa sektor ng agrikultura partikular sa larangan ng agricultural research, pangalawa ang ukol sa Joint Delaration on the Establishment of Sea Connectivity between Davao/General Santos and Betung at sa linggo ay pasisinayaan ng Pangulo at President Widodo ang pagbubukas ng biyahe ng Roll on Roll Off o RORO mula Davao/General Santos patungong Betung Indonesia and vice versa.

Ulat ni: Vic Somintac

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *