Inflation rate , bumaba ngayong Mayo ayon sa DOF
Bumagal ang inflation ngayong Mayo.
Ito ang ibinalita ni Finance Undersecretary Gil Beltran matapos maitala sa 3.2 percent na consumer price index ngayong Mayo na mas mababa kumpara sa 3.4 percent noong Abril.
Sinabi pa ni Beltran na bumaba din ang food inflation na nasa 3.8 percent ngayong buwan mula sa dating 4.2 percent.
Ipinaliwanag ni Beltran na ang pagbagal ng inflation ay bunsod ng pagbaba ng presyo ng pagkain at patuloy na paglago ng ekonomiya.