Interes ng buong bansa isinaalang-alang ng Pangulo sa pagdedeklara ng Martial Law sa Mindanao ayon sa ilang Senador

0
maraw1

Naniniwala si Senador Sherwin Gatchalian na hindi lamang Mindanao kundi ang interes ng buong bansa ang iniisip ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paglalagay nya sa ilalim ng batas militar sa Mindanao

Naiintindihan rin ni Gatchalian na bilang anak ng Mindanao si Pangulong Duterte ay hindi niya pababayaang tuluyang malagay sa panganib ang mga taga mindanao.

“I believe that the President has the paramount interest of the Filipino people in mind in declaring martial law in Mindanao. i am confident that the president, as a dutiful son of Mindanao, will pour his heart and soul into efforts to restore peace and order there as quickly as possible. We must hold these despicable terrorists accountable for their crimes against humanity.”.– Sen. Gatchalian

Tiwala si Gatchalian na ibubuhos ng Pangulo ang kanyang buong puso para lamang mabilis na manumbalik ang peace and order sa lugar.

Giit ni Gatchalian, dapat nang masugpo ang mga teroristang grupo sa bansa at marapat lamang aniya silang papanagutin sa mga kasalanan nila sa sambayanan.

Kasabay nito, nakikisimpatya ang Senador sa mga taga-Marawi at umaasang magiging maayos na ang lahat para sa mga kapanatagan ng kanilang kalooban.

Mariin namang kinokondena ni Senador Bam Aquino ang pag-atake ng Maute group sa Marawi City

“We condemn in the strongest possible terms the attacks by the Maute group in Marawi and extend our support to the men in uniform fighting to protect innocent lives.Let’s pray for the safety of our countrymen whose lives are jeopardized by the ongoing conflict”. – Sen. Aquino

Giit ni Senador Aquino hindi dapat hayaang mamayagpag ang terorismo sa bansa.

Sa panig naman ni Senador Kiko Pangilinan, nirerespeto nila ang kapangyarihan ng Pangulo para magdeklara ng Martial Law na ginagarantiyahan ng ating saligang batas para tugunan ang rebellion.

Suportado ni Pangilinan ang AFP sa anumang hakbang laban sa Maute Group.

Gayunman, bilang mambabatas aniya, kailangan pa rin nilang gampanan ang kanilang constitutional duty upang pag-aralan kung may basehan ba ang pagdedeklara ng Martial Law at kung nararapat ba ito.

“While Martial Law is an option available to the President and we respect this exercise of discretion, we in Congress will exercise our constitutional duty to look into the basis of the declaration and determine whether or not there is basis for its continued imposition”. – Sen. Pangilinan

Ulat ni: Mean Corvera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *