Involvement ng ISIS sa Maute group dapat imbestigahan – Cong. Bertiz

0
marawi1

Dapat magsagawa rin ng malalimang imbestigasyon ang pamahalaan kung saan kumukuha ng pondo ang Maute group kaya patuloy na nakakapaghasik ng kaguluhan ang mga ito.

Sa panayam ng Saganang Mamamayan , sinabi ni ACTS-OFW Partylist Rep. Congressman John Bertiz , dapat tukuyin kung saan nakakakuha ng pagkain , at mga matataas na uri ng baril ang Maute group.

Ayon pa kay Bertiz , hindi lamang ang giyera sa Marawi ang dapat tutukan kundi maging ang involvement ng ISIS sa naturang grupo.

Aniya nakatanggap sila ng mga report na maraming Arab Nationals ang nagtutungo sa Mindanao na sa kanilang hinala ay mga miyembro ng ISIS na nagrerecruit para sila ay magparami.

Maging ang mga recruitment agency at medical clinic na maraming Arab Nationals ay dapat rin aniya imbestigahan na posibleng may kaugnayan sa ISIS.

“Sa ngayon parang virus ang kalaban natin alam kung saan sila lumalaganap sa buong mindanao . Dapat imbestigahan din ang recruitment agency na madaming arab national pati narin ang mga medical clinic na alam ko dalawa dyan ang may ari ay mga kuwaiti so kailangang itrace ang mga ganitong bagay”. – Cong. Bertiz

Ulat ni: Marinell Ochoa

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *