IPO dam, patuloy na nagpapakawala ng tubig; Mga residente malapit sa Angat river, pinaaalerto

download

Nananatiling nakabukas ang isang gate ng IPO dam para sa pagpapatuloy ng spilling operation.

Sa ipinalabas na advise ng PAGASA Hydrometeorology Division kaninang 7:30 ng umaga, nakabukas ang gate ng dam sa 0.15 M at nasa 39.60 cm ang kabuuang discharge.

Dahil dito, pinag-iingat ang mga residente sa mga posibleng flash flood partikular ang mga naninirahan sa low-lying areas malapit sa Angat river, Norzagaray, Angat, San Rafael, Bustos, Baliuag,Pulilan, Plarodel at Hagonoy sa Bulacan.