IRR ng smoking ban sa Hulyo pa mailalabas ayon sa DOH
Sa Hulyo pa ilalabas ng Department of Health ang Implementing Rules and Regulations ng Nationwide Smoking ban.
Ayon kay DOH Secretary Paulyn Ubial, maaaring mailabas ang IRR bago ang gagawing State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pinayuhan din ni Ubial ang local government units (LGU) na huwag ng hintayin ang IRR sa nationwide smoking ban dahil maaari na silang gumawa ng sarili nilang ordinance.
Maaring pagbasehan ng local government units ang Framework Convention on Tobacco Control (FCTC) para sa kanilang mga ordinansyang ipapatupad.