Isa pang sama ng panahon, papasok sa bansa sa susunod na linggo

0
22384192_1426525910790647_5093417360939904298_o

Minomonitor ng PAGASA ang Low Pressure Area (LPA) na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa PAGASA, may posibilidiad na maging isang bagyo ang nasabing LPA at maaring isa nang tropical storm pagpasok sa bansa.

Sa susunod na linggo ay maaring pumasok ito ng PAR at papangalanang Paolo.

Samantala, ang bagyong Odette ay nasa bisinidad na ngayon ng Calanasan, Apayao.

Ayon sa PAGASA, nananatiling mapanganib ang maglayag sa seaboards ng Northern Luzon dahil tatawirin ito ng bagyong Odette.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *