Isyu ng West Philippine Sea, posibleng hindi na matalakay sa ASEAN summit

0
asean2

Posibleng hindi na maisama sa joint statement ng mga head of state ng Association of Southeast Asian Nation ang isyu ng agawan sa teritoryo sa West Philippine Sea.

Bunsod ito ng pahayag ni Pangulong Duterte na ayaw niya nang talakayin ang isyu dahil mas nais niyang personal na makausap ang China hinggil dito.

Sinabi ni Ambassador Marciano Paynor, director general for operations ng ASEAN 2017,  ang pahayag ni Duterte ay posisyon nito bilang Pangulo ng Pilipinas at hindi bilang chairman ng ASEAN.

Maari naman aniyang pag-usapan ng mga foreign minister ang usapin sa West Philippine Sea sa kanilang mga preparatory meeting at plenary session ng head of state bukas.

Pagtiyak ni Paynor kahit matalakay ang isyu ng West Phil. Sea hindi ito isasama sa joint statement kapag may isang lider na kumontra.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *