Japanese, French at Omani vessels nakatawid na sa Strait of Hormuz

0

A map showing the Strait of Hormuz and a 3D printed oil pipeline are seen in this illustration taken March 23, 2026. REUTERS/Dado Ruvic/Illustration//File Photo

Nakatawid na sa Strait of Hormuz ang tatlong Omani-operated tankers, isang French-owned container ship at isang Japanese-owned gas carrier, simula noong Huwebes batay sa shipping data, na sumasalamin sa polisiya ng Iran na payagan ang pagdaan ng mga sasakyang pandagat na para sa kaniya ay “friendly.”

Una nang isinara ng Iran ang Strait – isang rutang dinaraanan ng halos one fifth ng global oil at LNG flows, makaraang magresulta sa mas malawak na hidwaan ang ginawang airstrikes ng Israel at Estados Unidos sa Iran. Kalaunan ay sinabi nito na papayagan nang dumaan ang mga barkong walang kaugnayan sa U.S. at Israel.

Isang container ship na pagmamay-ari ng CMA CGM ng France ang dumaan sa Strait noong Huwebes, ang araw nang sabihin ni French President Emmanuel Macron, na tanging diplomatic efforts, at hindi military operation ang makapagbubukas sa Strait.

Dalawang malalaking crude carriers at isang LNG tanker naman na ino-operate ng Oman Shipping Management ang lumabas din sa Gulf noong Huwebes, ayon sa MarineTraffic at LSEG data.

Sinabi ng Mitsui O.S.K. Lines nitong Biyernes, na ang LNG ​tanker, Sohar LNG, na co-owner sila, ay dumaan sa Strait, na unang Japan-linked vessel at unang LNG carrier na nakatawid sa Strait mula nang mag-umpisa ang hidwaan.

Hindi naman binanggit ng tagapagsalita nito kung kailan nangyari ang pagtawid, o kung nagkaroon ba ng negosasyon.

Hanggang nitong Biyernes, humigit-kumulang 45 mga barko na pag-aari at ino-operate ng Japanese companies ang stranded pa rin sa rehiyon, ayon sa transport ministry ng Japan.

Ang Panama-flagged naman na Danisa, isang napakalaking gas carrier, lay umalis sa Gulf sa pamamagitan ng kaparehong ruta, patungong China, the data showed.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *