Job at Business fairs idaraos sa siyam na lugar sa Metro Manila ngayong Labor Day-DOLE
Idaraos sa siyam na lugar sa Metro Manila ang job at business fairs na inilatag ng Department of Labor and Employment ngayong araw ng paggawa.
Hinimok ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga naghahanap ng trabaho na puntahan ang mga NCR job fair sites na isasagawa sa Quezon City Hall at Fisher Mall, Quezon Avenue sa Lungsod ng Quezon ; sa Bonifacio Monument sa Padre Burgos sa Maynila; Ayala Mall sa Muntinlupa; sa basketball court sa likod ng Paranaque City Hall; Vista Mall sa Taguig; Robinsons Mall Las Piñas; Valenzuela Astrodome; at sa Pasay City Hall.
Mahigit tatlumput apat na libong Local at Overseas jobs ang iaalok sa NCR job fairs na lalahukan ng 170 employers.
Mahigit labing apat na libo sa mga trabaho ay lokal na trabaho habang ang dalawampung libo ay trabaho sa ibang bansa.
Ang kailangang dalhin ng mga aplikante ay maraming kopya ng kanilang resume o curriculum vitae; 22 x 2 id pictures; certificate of employment sa mga dating employed; diploma at transcript of records; at authenticated birth certificate.
Ulat ni: Moira Encina