Justice Sec. Aguirre hinamon ang mga bumabatikos sa deklarasyon ng Batas Militar sa Mindanao na kwestyunin ito sa SC
Hinamon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang mga kritiko ng Batas Militar sa Mindanao na kwestyunin na lamang sa Korte ang legalidad ng proklamasyon ni Pangulong Duterte.
Idinipensa ni Aguirre ang deklarasyon ni Duterte dahil bilang punong ehekutibo, hawak niya ang mga impormasyon at ulat na hindi batid ng mga karaniwang mamamayan na ginamit niyang batayan sa desisyon.
Ayon pa sa kalihim, mayroong presumption of regularity sa naging pasya ng Presidente
Sa ilalim ng 1987 Constitution, maaring pag-aralan ng Korte Suprema kung sapat ang batayan sa pagdedeklara ng Martial Law kung mayroong maghahain ng petisyon
Sa loob ng tatlumpung araw ay kailangan makapagpasya ng Supreme Court magmula nang maihain ang petisyon.
Ulat ni: Moira Encina
