Kabuhayan ng mga taga estado ng Veracruz sa Mexico, apektado ng oil spill

Black tar slicks cover parts of a beach as members of Civil Protection survey the area before starting cleanup work following an oil spill that has affected fishermen and several coastal communities, in Las Barrillas, Coatzacoalcos, Mexico, March 4, 2026. REUTERS/Angel Hernandez
Nag-aalala na ang mga residenteng nakatira sa baybayin ng estado ng Veracruz sa Mexico tungkol sa pagkakaroon ng langis sa kanilang local beaches, na nakaapekto na sa kanilang mga kabuhayan, at nangangambang makontamina ang kalapit na lawa kung saan kumukuha ng isda at hipon ang mga komunidad doon.
Nagtulong-tulong na ang mga residente ng Jicacal, sa Gulf of Mexico, para alisin ang kaya nilang alising langis na tumigas na, habang patuloy naman ang pagkalat ng langis sa buong baybayin, na hindi pa sinasabi ng mga awtoridad kung ano ang naging sanhi.
Itinanggi naman ng state oil company na Pemex, na nagkaroon ng leak o spill mula sa kanilang mga pasilidad.
Ngunit hindi agad tumugon ang kompanya nang hingan ng komento, kung may bago na ba silang impormasyon tungkol sa oil spill kasunod ng inaangkin ng kompanya na ginawa nilang surveillance sa lugar.

Oil is collected in a skimming boom following an oil spill that has affected fishermen and several coastal communities, in Las Barrillas, Coatzacoalcos, Mexico, March 4, 2026. REUTERS/Angel Hernandez
Ipinahaya ng Cemda, isang environmental organization, na simula pa noong Marso 1-uno, ay higit labingdalawang spill sites ang natukoy sa kahabaan ng mga beach sa Veracruz at katabing Tabasco na nasa kahabaan ng baybayin ng Gulf of Mexico.
Itinanggi ng Pemex ang responsibilidad sa oil spill, ngunit ang kompanya ay nasangkot na sa ilang katulad na insidente nitong nagdaang mga taon, na ang pinakahili ay noon lamang Oktubre sa Veracruz, kung saan 2.7 milyong litro ang narekober mula sa Pantepec River kasunod ng leak sa isang oil pipeline.
Ang Jicacal at katabi nitong bayan ng Las Barrillas, na nasa Veracruz din, ay kapwa fishing villages at local tourist destinations.
Ang oil spill ay nakaapekto na rin sa local tourism industry, dahil marami nang umayaw na bisitahin ang lugar.
Ayon kay Nicolás Vargas, isang tourism service provider sa Las Barrillas,“What we are interested in is cleaning up the entire beach, otherwise, tourists will not visit the area.”