Kahandaan sa nalalapit na Parliamentary Election sa BARMM tiniyak ng AFP sa gitna ng namumuong tensiyon sa liderato ng MILF

Nakalatag na ang seguridad ng Armed Forces of the Philippines para sa nalalapit na Parliamentary Election sa Bangsamoro Region sa October 13, 2025.
Ayon kay AFP spokesperson, Col. Francel Margareth Padilla, patuloy ang koordinasyon nila sa ommission on Elections (COMELEC) at Philippine National Police (PNP), para masiguro na lahat ay malayang makalalabas para bumoto.
Sisiguruhin din aniya nila na maidaraos ang payapa at tapat na halalan sa harap ng namumuong tensyon sa liderato ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Ayon kay Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Antonio Nafarrete, bagaman hindi nila ikinokonsiderang banta sa eleksyon ang problema sa MILF leadership, hindi pa rin sila magpapakakampante at pinaghahandaan ang lahat ng senaryo.
Patuloy aniya ang pagsasagawa nila ng mga checkpoint operation sa buong BARMM region para mapigilan ang anumang planong karahasan.
Giit pa ni Nafarrete, may sapat silang puwersa mula sa 6th Infantry Division at 1st Infantry Division para masiguro ang latag ng seguridad.
Kung kukulangin may nakahanda pa aniya silang karagdagang puwersa mula sa 4th at 10th infantry Division.
Mar Gabriel