“Kahit SC hindi maaaring pigilan si Pangulong Duterte na magdeklara ng Martial Law” – Enrile

0
enrile2

 

Walang makakapigil sa desisyon ng Pangulo na magdeklara ng Martial Law kahit pa ang Supreme Court (SC).

Ito ang paninindigan ni dating Senate President Juan Ponce Enrile, kasabay ng pahayag ng suporta sa pagdeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Martial Law sa Mindanao.

Sinabi ni Enrile na wala siyang nakikitang dahilan para punahin ang desisyon ng Pangulo.

Maliwanag aniya ang isinasaad ng batas na may kapangyarihan ang Pangulo ng bansa na magdeklara ng batas militar dahil sa nangyayaring kaguluhan o banta sa seguridad sa Mindanao.

Idinagdag pa ni Enrile, na bagaman may deklarasyon ng batas militar, hindi naman otomatikong masususpinde ang privilege of writ of habeas corpus na proteksiyon ng bawat mamamayan sa anumang illegal detention.

Subalit maaari ring suspendihin ng Pangulo ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus kung gagawa ang Commander-in-Chief ng pangalawang deklarasyon.

Payo ng dating senador sa mga kritiko ng Pangulong Duterte, hayaan ang Pangulo na gampanan ang kanyang katungkulan sa taongbayan.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *