“Kailangan pa ring mag-angkat ng bigas “- NFA
Nanindigan ang National Food Authority na kailangan pa rin mag-import ng bigas sa ibang bansa at hindi lang umasa sa mga local farmer.
Ito ay sa kabila ng utos ni Pangulong Duterte na gawin ng nfa na prayoridad ang pagbili ng bigas mula sa mga magsasaka.
Sinabi ni NFA Region 6 Director Rex Estoperez na ang mandated na presyo na maaring bilhin ng ahensiya ay ₱17.00 lamang.
Ayon kay Estoperez, handa silang bumili sa mga magsasaka ngunit ang hinahabol din ng mga magsasaka ay ang mataas na presyo.