Kaligtasan ng mga turista sa Palawan at Mindanao tiniyak ng Malakanyang

0
abella

Hindi binabalewala ng Malakanyang ang travel advisories ng US, Canada at United Kingdom sa kanilang mga mamamayan na umiwas sa pagpunta sa Palawan at ilang bahagi ng Mindanao.

Mismong si Pangulong Duterte bago magtungo sa Cambodia ang naglabas ng direktiba sa militar at pulisya na agad na patayin kung mayroong mamataang Abu Sayaff sa Palawan at ilang bahagi ng Mindanao.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na nakaalerto ang buong puwersa ng Western Command o WESCOM katulong ang pulisya at Philippine Coast Guard at mga Local Government officials upang tiyakin ang kaligtasan ng sinuman.

Ayon kay Abella kontrolado ng gobyerno ang buong sitwasyong pang seguridad sa Palawan.

Umapela din si Abella sa publiko na makipagtulungan sa mga otoridad para maagapan ang anomang banta ng karahasan mula sa mga elementong kriminal.

Ulat ni: Vic Somintac

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *