Kampo ni dating Chief Justice Ma. Lourdes Sereno , umalma sa pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kailangan ni Sereno ng psycho-social counselling-
Umalma ang kampo ng napatalsik na si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa pasaring ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kailangan ni Sereno ng psychosocial assistance.
Sinabi ni Atty Jojo Lacanilao, isa sa mga tagapagsalita ni Sereno, sa halip na batuhin ng mga personal na pag-atake ni Roque si Sereno ay dapat na lang nitong ipaliwanag kung bakit hindi kinakasuhan sa korte ang mga sinibak na opisyal sa gobyerno ni Pangulong Duterte dahil sa isyu ng kurapsyon.
May ilan din anya sa mga sinibak ang ini-recycle o inilagay lamang sa ibang pwesto ng Pangulo.
Lumalabas anya tuloy na publicity stunt lamang ito ng Pangulo kung hindi ipapaliwanag sa publiko.
Ang pahayag ni Roque ukol sa pangangailangan ni Sereno ng psychosocial help ay matapos sabihin ni Sereno na palabas lang ng Pangulo ang pagsibak sa mga tao ng pamahalaan na dawit sa katiwalian.
Ulat ni Moira Encina