Kaso laban kay Duterte sa ICC tiyak na maibabasura lang ayon kay Lacson

0
ping

Naniniwala si Senador Panfilo Lacson na ibabasura lang ng International Criminal Court ang kasong isinampa laban kay Pangulong Duterte kaugnay ng umano’y mass murder sa Pilipinas.

Ayon kay Lacson, walang merito ang kaso lalo at ibinatay lang ito sa testimonya ng self confessed hitman na si Edgar Matobato at ang bumaligtad na si Retired Police Supt Arturo Lascanas.

Iginiit ni Lacson na kapwa hearsay lang ang mga paratang nina Matobato at Lascanas dahil wala naman silang maipakitang ebidensya na maaring mag corroborate sa kanilang alegasyon sa Davao Death Squad na sinasabing binuo ni Duterte para pumatay ng mga kriminal.

Si Lacson ang chairman ng Comm. on Public Order and Dangerous Drugs na isa sa mga nag imbestiga sa mga umano’y kaso ng extra judicial killings.

Hinala ni Lacson kinasuhan si Duterte sa ICC para ipahiya ito sa mga lider ng ibat ibang bansa na magtutungo sa Pilipinas para dumalo sa Association of Southeast Asian o ASEAN summit ngayong buwan.

Ulat ni: Mean Corvera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *