Kaso ni Mary Jane Veloso susubukan ni Pangulong Duterte na talakayin kay Indonesian President Joko Widodo

0
veloso

Susubukan ni Pangulong Rodrigo Duterte na isingit ang kaso ni Mary Jane Veloso sa pagbisita sa Malakanyang ni Indonesia President Joko Widodo.

Sinabi ng Pangulo na babanggitin niya kay President Widodo ang kaso ni Veloso, subalit kung ayaw itong talakayin ay hindi niya ipipilit.

Batay sa ulat na lumabas sa Jakarta Post sinabi ni President Widodo na naipaliwanag na niya kay Pangulong Duterte ang kaso ni Veloso na nahatulan ng parusang kamatayan dahil sa pagiging drug mule.

Si President Widodo ay nasa bansa para sa talong araw na state visit kasabay ng pagdalo sa ASEAN summit.

Ulat ni: Vic Somintac

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *