Komite ni Sen. JV Ejercito, nagsagawa ng ocular inspection sa Pandi, Bulacan Housing Project ng gobyerno

0
briefing

Nagsagawa ngayong araw ng occular inspection ang Senate Committee on Urban Planning, Housing and Resettlement na pinamumunuan ni Senador Joseph Victor Ejercito sa housing unit ng PNP,AFP, BJMP ,at BFP sa Bayan ng Pandi lalawigan ng Bulacan.

Unang nagtungo si Ejercito sa Pandi Municipal Hall pasado alas 9:00 ng umaga kung saan nagsagawa ito ng briefing kay NHA Central Luzon Rep – Engr. Alimbuyao para sa isasagawang ocular inspection sa lugar.

Matapos ang briefing agad na magtutungo ang senador sa naturang housing project sa Pandi Heights na pwersahang tinirhan ng grupong KADAMAY.

Makikipagpulong rin si Ejercito sa Pandi Homeowners Association at Pandi LGU Officials para malaman ang naging problema

Bahagi ito ng ginagawang imbestigasyon ng senado para makabuo ng batas at maiwasan na ang mga katulad na insidente

Nais rin ng Senado na makabuo ng malinaw na panuntunan sa mga housing project ng gobyerno.

Ulat ni: Mean Corvera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *