Kontrata ng BURI para sa maintenance ng MRT balak nang i-terminate ng DOTr

0
mrt3

Pinag-aaralan na ng Department of Transportation na isapribado ang maintenance ng Metro Rail Transit at tuluyan nang i-terminate ang kontrata sa Busan Universal Rail Incorporated o BURI.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services, sinabi ni DOTr Undersecretary Ceasar Chavez, itoy dahil sa hindi pa rin maayos na sistema ng BURI sa pagmimentina sa mga tren at katunayan ang madalas na pagkasira ng mga ito.

Katunayan, nakapag-overhaul aniya ang BURI ng dalawang tren pero batay sa kanilang kontrata dapat makasunod sila sa hinihinging requirements na labing-walong bagon hanggang noong Abril.

Sa datos ng DOTr hanggang noong Abril, nakapagtala na ng 116 unloading incidents at hindi pa kasama rito ang matinding mga aberya na nangyari ngayong Mayo.

Dahil dito, Ikinukonsidera na rin aniya nila na ilagay sa ilalim ng management ng  Light Rail Transit Authority o LRTA ang MRT 3 at ito na rin ang magiging regulator sa maintenance at operations.

Ulat ni: Mean Corvera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *