Kontrata ng MRT 3 sa Busan Universal Rail Incorporated, balak i-terminate nf DOTr
Pinag-aaralan na ng Department of Transportation na i-terminate ang kontrata sa billion peso maintenance contract sa Busan Universal Rail Incorporated o BURI sa MRT.
Ayon kay Atty. Hernando Cabrera, senior technical assistant at Undersecretary for railways ng DOTr, bunsod ito ng palpak na serbisyo ng BURI katunayang lalo pang sumasama ang sitwasyon katunayan ang madalas na aberya.
Dumepensa naman si dating DOTC Secretary Joseph Emilio Abaya at iginiit na walang nakinabang o kumita sa kontrata sa MRT.
Dumaan aniya sa transparent na proseso at above board ang kontrata .
Malinis aniya ang kanyang konsensya nang aprubahan ang mga kontrata sa nakaraang administrasyon at para ito sa ikagaganda ng serbisyo ng MRT 3.
Ulat ni : Mean Corvera
